Korean Telenovela: Hay palaging may amnesia...
Sobra, I am currently watching Stairway to Heaven and Save the last Dance ba yun, parehong may amnesia, well well well, kahit naman noong nauso ang mga Mexican soap opera puro amnesia na rin, kasi mas magiging madali ang lahat.Una, ang hirap kaya sa writer na pahabain ang story kapag di mo nilagyan ng amnesia, habang mataas ang rating, meron pa yan pero kapag mababa na, makakaalala na yan kung sa local soaps. Pero ok din naman di ba, tutok pa rin tayo sa TV kahit na ganun.
Pangalawa, mas maganda kasing lagyan ng friction ang mga characters kung hindi na gigive away ang lahat ng information ng plot, yung tipong unti unting natutuklasan ang mga sikreto at hindi super biglaan.
Pangatlo, daan kasi yan para makapag-introduce ng bagong character sa koreanovela, bagong memory, bagong experience, bagong raket at definitely bagong love interest...
At siyempre, dahil yan ang hanap ng masa bukod sa mahirap na inapi at biglang yumaman, siyempre samahan mo pa ng amnesia, mega Box office na yan hehe...
1 Comments:
tama ka jan roland!puro na lang amnesia.pati nga kapatid kong 7yrs old bago magumpisa ang stairways to heaven sa teaser nito ang sabi ng kapatid ko "lagyan daw ng amnesia!"hay grabe!he3x
Post a Comment
<< Home